A Travellerspoint blog

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka Part 3

Moving on is not easy..

rain 13 °C

5213061015_bd47f1feee.jpg

" I can't be with you as your boyfriend but It doesn't mean that I don't love you. "

Maaga palang nasa Puerto Galera na sila. May mga kasama si Nathan na mga kaibigan pero nagkanah sila ng ibang hotel para makapag check-in. Hindi naman madaming tao nung mga panahing yun. Hindi naman peak season ng bakasyon. Semestral Break lang kasi. He promised to himself na gagawin nyang memorable ang araw na yun dahil yun ang una nyang bakasyon na kasama ang taong mahal nya.

They had a late breakfast sa terrace ng kuwarto nila overlooking the beach.

Nathan : Ang sarap talaga ng bakasyon. Maganda ang view nakakawala ng stress.
Bj : Oo nga. Maganda tong kuwartong nakuha natin.
Nathan : I agree. Anong sinabi mo sa Tita mo na mawawala ka for 3 days?
Bj : Sabi ko lang sinama ako ng kaibigan ko sa isang out of town.
Nathan : Buti di ka na inusisa. Sige, kain na tayo.

Pagkatapos ng kunting pahinga, they decided to look around the area. Hindi masyadong mainit nung mga araw na yun just a perfect day for strolling under the sun. Magkasabay silang naglalakad sa dalampasigan.

Bj : Anong sinabi ng mga kaibigan mo nung hindi tayo sumama dun sa hotel nila?
Nathan : Wala naman. Maiintindihan na nila yun.
Bj : Baka kasi mainip ka lang saken kung tayong dalawa lang.
Nathan : Hindi naman siguro. Sa tagal nating di nagkita marami tayong mapag-uusapan. At mamaya naman magkikita-kita ulit tayo dun sa isang bar sa hotel na tinutuluyan nila.
Bj : Salamat sa lahat ha.?
Nathan : Wala yun. Ako dapat ang magpasalamat sayo kasi hanggang ngayon ako pa din ang matalik na kaibigan mo.

Hinawakan ni Bj ang kamay nya kasabay ng isang ngiti. Masaya syang kasama nya ito ngayon. Kung kaya lang nyang pigilan ang oras para mas makasama nya to nang mas matagal. Ginawa nya na sana noon pa. But that's how it is sa isip-isip nya. When good things are happening, time flies by rapidly but in moments that you're hurting it seems that an hour is eternity. Iwinaksi nya ang isiping yun. He will enjoy every moment na kasama nya to.

Kasama ang mga kaibigan nya, nagpunta sila sa isang bar nung gabing yun din. Hindi na sya masyadong umiinom ngayon pero dahil sa udyok nga mga kaibigan nya, naparami sya ng inum nung gabing yun. Tinanong si Bj nung isang kaibigan nyang babae.

Christine : Mahal mo ba tong si Nathan?

Isang tipid na ngiti ang naisagot nito. Sya na ang sumagot sa tanong ng kaibigan.

Nathan : Magkababata lang kami. Ikaw, manahimik ka nga dyan lasing ka na naman.

Biro nya sa kaibigan.

Christine : Ikaw talaga ang mahal nitong si Nathan, Bj. Kahit dati pa man nung una kaming magkakilala, ikaw lagi ang kinikwento nya pag naguusap-usap kami tungkol sa love life ng isa't-isa.

Bj : Alam ko naman yun.

Namula si Nathan sa pagiinit ng pisngi nya. Buti na lang medyo madilim sa lugar at hindi halata ang pamumula nya. Natuwa sya sa sinabi nito. Dati pa naman na alam nito ang nararamdaman nya para dito. Pero ngayon hindi nya akalaing aaminin nito iyon sa harap ng mga kaibigan nya. Masarap sa pakiramdam.

Nagtuloy ang inuman. Ala-una ng madaling araw nang magpaalam na sila ni Bj na babalik na sa hotel nila. Medyo may tama na ito sa dami ng nainom na alak. Inaalalayan nya ito habang naglalakad sila pabalik sa hotel.

Bj : Nathan, pwede bang dito muna tayo. Maganda ang buwan.
Nathan : Oo nga.

Naupo sila sa dalampasigan na iyon. Animo'y magkasintahan na nagsusuyuan.

Bj : Mahal kita Nathan.

Pumailanlang ang mga salitang yun habang pinagmamasdan nya ang karagatan. Hindi nya alam kung paano sasagutin ang sinabi nito.

Nathan : Salamat.

Ang tangi nyang nasabi. Kinabig sya nito papalapit at hinalikan. Labis na tuwa nag naramdaman nya nung mga oras na yun. Katuparan ng isang panginip na ang tagal nyang inasam na mangyari. Mga salitang ang tagal nyang inantay na marinig mula dito.

Bj : Nathan hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero tandaan mo to mahal kita. Masaya ako pagkasama kita.

Ang kaligayahang nararamdaman nya ay napalitan ng pagkalito.

Nathan : Anong ibig mong sabihin.
Bj : Maniwala ka mahal kita pero hindi pwedeng maging tayo.

Sa tuwing naalala ni Nathan iyon, hindi nya napipigilan ang sariling mapaiyak. Ngayon habang nakatitig sya sa kawalan sa veranda nila muntik na syang mapahagulgol sa sakit.

Nung gabi ding iyon, hindi nya na nabigyan pa ng pagkakataon ang sariling humingi ng paliwanag. Iniwan nya si Bj sa dalampasigan. Sa hotel ng kaibigan sya tumuloy ng mga oras na yun. Kinabukasan pagdating nya sa hotel nila wa la ito. Nakita nya ang isang maliit na stuffed toy na may nakalagay na sulat.

" Salamat sa lahat. Mahal kita pero pasensya na. "

Hindi na nya sinagot maski ang mga tawag nito dati. Sulat man ay di na nya binasa pa. Lahat ng mga sulat nito dinideritso na ng basurahan. Pinilit nya ang sariling kalimutan ito. Lahat ng oras binigay nya sa pagaaral hanggang sa makatapos at magkaroon ng magandang trabaho. In a short span of time, nagawa nyang maging isang Senior Executive sa isang kilalang Accounting Firm sa bansa. He has everything in the world para maging masaya. He dated a lot of guys and gays pero hindi din nagtatagal ang mga nagiging relasyon nya. Halos lahat ng mga naging relasyon nya would end in this lines.

" I can't be that someone you've been looking for in a relationship. "

Alam nyang unfair sa mga taong nagmahal sa kanya, pero di nya masisi ang sarili dahil alam nyang nasasaktan lang sya kaya nya nagagawa ang mga bagay kahit di man sadya. Ngayon after 4 years naghahanap sya ng paliwanag sa isang taong alam nyang kaisa-isang maaring magbigay nito. Hindi nya maikakalang mahal nya pa rin ito hanggang ngayon. Pero hindi sya nagbalik para makiusap dito na mahalin sya kundi para tapusin ang isang bagay na matagal nya na sanang tinuldukan.

Kailangan nya yung higit para sa sarili nya. Kailangan nyang buuin ang pagkataong nawasak nung gabing iyon. Hanapin ang sariling matagal ng nawawala dahil ibinigay nya sa isang taong akala nya ay pwede.

Itutuloy.....................

Til Next Time.

Diosa

You can also see the link : http://akosidiosa.blogspot.com/

Posted by akosidiosa 11:59 Archived in Philippines Tagged friends romance gay_travel Comments (0)

I am Beautiful.

They Can't Let me Down.

sunny -47 °C

i-am-beautiful.gif

"Anger is like flowing water; there's nothing wrong with it as long as you let it flow. Hate is like stagnant water; anger that you denied yourself the freedom to feel, the freedom to flow; water that you gathered in one place and left to forget. Stagnant water becomes dirty, stinky, disease-ridden, poisonous, deadly; that is your hate. On flowing water travels little paper boats; paper boats of forgiveness. Allow yourself to feel anger, allow your waters to flow, along with all the paper boats of forgiveness. Be human."

— C. JoyBell C.

Last Thursday night habang papunta kami sa isang gimik session , a friend of mine shared an information na sinabi na naman nung tinutuko ko dun sa isa kong blog entry:

" Get a Life. "

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ganun sya. We treated each other well bago sya ma-promote pero ngayon, everything went upside down. Parang ibang-ibang tao na sya. Kung ako lang sana walang problema, pero ang idawit nila ang personal na buhay ko sa isang work issue na wala naman to begin with, ibang usapan na yan. Sabi nila wag ko na lang daw pansinin, kaso iba na ito, napaka-unprofessional na ng ginagawa nila. Tama nila dahil dalawa na sila.

Doon naman sa isang babaeng yun, wala akong personal issues sayo dati. Kahit maraming galit sayo, I would say I am not one of them kasi wala naman tayong masamang tinapay sa isa't -isa pero dahil ngayon na gumawa ka ng issue sa personal kung buhay, pasensyahan tayo, ikaw nauna.

Next time na ako magpopost ng mas mahaba about dito. Buti na lang may nagpapangiti saken ngayon. Ang aking si M.

mario_maurer_47.jpg

At si W.

witwisit_2.jpg

Kailangan talagang isingit ko sila. Mauubos ko na lahat ng letters sa alphabet. Hala kailangan ko ng matulog may pasok pa mamaya.

Till Next Time,

Diosa

You can also read the link http://akosidiosa.blogspot.com

Posted by akosidiosa 18:13 Archived in Philippines Tagged friends romance gay_travel worklife Comments (1)

Pangarap Ko ang Ibigin Ka 2

The Sequel

sunny 23 °C

lost-love3.jpg

" Life is not measured by the number of breathes you take but by the number of moments that take you breathe away. "

Nakatayo sa veranda nila si Nathan. Tinitignan ang malawak na bakuran nila. " It has really been a long time. " Sa isip-isip nya. Yet the whole place is still the same. Buhay na buhay pa din ang mga orchids na inaalagaan ng mama nya dati. The place was very relaxing. Naputol ang pagmumuni-muni nya nang tawagan sya ng kanyang mama.

" Nathan, anak nakahanda na ang almusal. " Tawag ni Evelyn sa kanya, ang kanyang mama.

Nakahanda sa mesa nila sa may hardin ang almusal. Toyo, itlog at champorado. Tamang-tama lang sa isip-isip nya. Matagal na panahon na din syang hindi nakakatikim ng ganito.

Nathan : Ma, salamat sa almusal. Namiss ko 'to.

Paglalambing nya dito sabay akap.

Evelyn : Oh sya, kumain ka na at baka lumamig pa ang almusal.

Kumustahan sa trabaho at naging buhay nya dun sa Maynila habang kumakain ang pinagusapan nilang mag-ina. Mga pangyayari sa lugar at mga kakilala at sa mga kababata nya. Wala nang umagang yun ang papa nya. Nagkaroon daw ng problema sa isang delivery nila kaya maaga itong napaluwas ng bayan.

Nathan : Ma, si Bj ano nang nangyari sa kanya.

Hindi nya na inantay na may magbukas ng pinto nung araw na napadaan sya sa bahay nito. Nung makita nyang may palabas ng tao, bigla nyang pinara ang paparating na tricycle at dali-dali syang umalis.

Evelyn : Ganun pa din naman. Mas lalong lumalakas ang fruit farm nila. Wala ka bang balita na sa kanya? Di ba malapit kayo sa isa't-isa?

Kung pwede nga lang sabihin nya sa mama nya lahat, sana ginawa nya na.

Kahit umalis na sya nun sa kanila ang huling gabing yun ang naging dahilan kaya kahit malayo na sila sa isa't-isa ay hindi pa din mawalan ng ugnayan silang dalawa. Text, tawag, chat at e-mails ang naging pag-uusap nila. May isang pagkakataon pa nga nung third year sya nun, ay lumuwas ng Maynila si Bj para magbakasyon at doon sila nagkita. That was when he was in third year. This became the most memorable moment of his life.

They decided to meet sa isang restaurant first night to have dinner and a little chat. It was more than 3 years na hindi na din sila nagkikita pero di sila nahuhuli sa balita sa isa't-isa.

Bj : Kumusta naman ang pag-aaral mo dito?
Nathan : As I always tell you, haggard sa dami ng pinapagawa ng mga teachers, pero I know I can do it.
Bj : Sa school ko nga din sa province ganun din. Kinausap ko sina Mama kaso di sila pumayag na dito ako mag-aral.
Nathan : Sayang naman. Hanggang kelan ka naman dito?
Bj : Siguro mga isang linggo lang. School Break lang naman kaya maikli lang to.
Nathan : Sige next day simula na din ng school break namin. San ka naman tutuloy?
Bj : Sa Tita ko sa Quezon City.
Nathan : Okay sige, let's just meet up. I'll call you then.
Bj : San mo ba planong magpunta?
Nathan : Siguro sa Puerto Galera na lang para malapit lang.
Bj : Okay sige, may kasama ka?
Nathan : Meron sana pero kung ayaw mo wag na lang.

Kinuha ni Nathan ang isang California Maki sa plato ni Bj at sinubo ito.

Nathan : Namiss kita, sobra.
Bj : Ako din, namiss ko ang bestfriend ko.

Hinawakan nito ang kamay nya sabay ngiti. It has been a long time mula nung huli silang magkita. That moment habang nag-uusap sila, he would like to have it embedded on his soul. Hindi nya akalaing yun na din pala ang huling ngiti na makikita nya sa mga labi nito.

Itutuloy....

Till Next Time,

Diosa

You can also see the link : http://akosidiosa.blogspot.com

Posted by akosidiosa 09:48 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (0)

Pangarap Ko ang Ibigin Ka.

Love of Siam Inspired Story

sunny 28 °C

love_of_siam.jpg

“You might have loved me, if you had known me. If you had ever known my mind. If you would have walked through my dreams and memories. Who knows what treasures you might have found. Yes, you might have loved me. If you had only taken the time.”

Nakatanaw sa labas ng bintana ng bus habang pauwi si Nathan sa kanila. Ilang taon na din ang lumipas ng huli nyang makita ang lugar na kinalakhan nya. Pitong taon, pero hanggang ngayon ganun pa din ang hitsura ng lugar. Maraming puno, bukirin at mga bundok. May mga bagong bahay syang nakita na dati ay mga kubo lang ang nakatayo. Maganda, sementado at mukhang may mga umangat na sa buhay sa mga naging dati nilang kapitbahay. Marami din syang naging kaibigan at kalaro sa probinsya nila. Naging malapit, nakatampuhan habang lumalaki siya at nagkakaisip. Natigil ang pagbabalik tanaw nya ng makita nya ang isang pamilyar na bahay. Walang pinagbago, ganun pa din ang pamilyar na hitsura ng bahay. Malaki at luma na parang sa panahon pa ng mga Kastila ang istilo.Huminto ang bus sa tapat ng bahay na yun. Hindi pa sya dapat bababa dun, pero sa di nya malamang dahilan, bigla na lang syang napatayo at bumaba sa sasakyan. Sa harap ng lumang bahay, sya naman pagbabalik ng mga lumang alaala ng kabataan nya.

Matagal na sa lugar na yun sina Nathan. Pag-aari ng Lola nya ang malaking bukirin sa lugar nila na ngayon ay mga magulang nya na ang namamahala. Labin-tatlong taong gulang sya nun, nung makilala nya si B.j. Isang bagong lipat sa lugar nila. Galing sa Maynila ang pamilya nito at matapos mabili ang isang maliit na farm sa lugar nila ay napagdesisyunan ng magulang nito na dun na sila manirahan. Naging kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nito. Kasabay ng magandang pagkakaibigan ng mga magulang nila ay ang pagiging malapit nila sa isa't-isa. May pagka-mahiyain eto kaya't halos sya lang ang naging kaibigan nito sa lugar nila. Lagi silang magkasabay sa pagpasok sa paaralan at kung may espesyal na okasyon sa kanila, lagi syang kasama sa handaan at ganun din 'to sa pamilya nila. Sa paglipas ng mga taon, naging mas lalo silang naging malapit sa isa't-isa. Magkapatid at matalik na kaibigan ang halos naging turinan nilang dalawa. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, habang lumalaki sila, may mga nakikilala silang ibang tao at sa tuwing may ipinakikilala si B.j. sa kanya lalo na pagbabae, hindi nya mapigilan ang makaramdam ng panibugho. Dapat matuwa sya para dito, pero iba ang sinasabi ng utak nya sa nararamdaman ng puso nya. Di nya maipaliwanag, mali ang nararamdaman nya, lalo pa't pareho silang lalaki. Itinago nya lahat ng nararamdaman nya sa sarili lang. Hanggang sa kinailangan syang ipadala sa Maynila ng mga magulang nya para dun mag-aral ng kolehiyo. Gabi bago sya lumisan patungong Maynila ay pinuntahan sya ni B.j.

B.j. : Nathan, pwede bang tumabing matulog?
Nathan : Bakit? Umuwi ka na, kailangan maaga pa ako bukas.
B.j. : Sige na, matagal din tayong di magkikita. Please.
Nathan : Sige na nga, pero wag mo akong isturbuhin sa pagtulog ko ha?
B.j. : Okay.

Laking tuwa ang naramdaman ni Nathan. Iba sa pinakita nya sa kaibigan. Alam nyang matagal silang hindi magkikita. Pitong taon, hindi nya alam ang pwedeng mangyari paglipas nun. Hindi sya sigurado, pero minabuti nyang ipagtapat dito ang kanyang nararamdaman.

Nathan : Ang tagal kong mawawala, mag-iingat ka lagi dito.
B.j. : Oo naman, wag kang mag-alala. Madami na din naman akong naging kaibigan dito ng dahil din sayo.
Nathan : B.j.? May gusto akong sabihin pero di ko alam kung paano ko sisimulan.
B.j. : Ano yun?
Nathan : Hindi ko alam kung bakit, pero bago sana ako umalis, gusto kong malaman mong gusto kita. Hindi lang bilang kaibigan.

Sobrang kaba na halos lumuwa sa dibdib nya ang puso ni Nathan. Ang daming pumasok sa isipan nya. Lahat puro baka. Baka magalit si B.j. Baka hindi na ito magparamdam sa kanya. Baka umuwi agad ito. Katahimikan ang naging pagitan sa kanila. Parang siglo ang lumipas bago nagsalita si B.j. At sa bawat sigundong lumilipas, lalong lumalakas ang kabang narrarmdaman nya.

Bigla syang niyakap nito.

B.j. : Alam ko.

Lumipas ang gabi ng sya ay nakaunan sa balikat ni B.j. Samantalang akap sya nito.

Pitong taon na pala nung mangyari yun, pero ngayon habang nakatayo sya sa tapat ng lumang bahay, pakiramdan nya kahapon lang nangyari yun. Kasabay ng pagpindot ng doorbell, alam nyang bubuksan nya ang nakaraan na di nya alam kung pwede pa nyang balikan.

Itutuloy..........

Til Next Time,

Diosa

You can also see the link : akosidiosa.blogspot.com

Posted by akosidiosa 17:06 Archived in Philippines Comments (1)

End of the World?

5 Things that I Will Do.

semi-overcast -10 °C

End-Of-The..024x768.jpg

“There are things that we never want to let go of, people we never want to leave behind. But keep in mind that letting go isn’t the end of the world, it’s the beginning of a new life.”

2011 AD—On May 21st, Judgment Day will begin and the rapture (the taking up into heaven of God’s elect people) will occur at the end of the 23-year great tribulation. On October 21st, the world will be destroyed by fire (7000 years from the flood; 13,023 years from creation).

Ito ang naging prediction ng isang pastor who owns a Radio Network in the states. Kung mangyayari to? Anong gagawin mo?

Limang araw. Limang pagkakataon. Paano kung ito na lang ang ibibigay sayo bago magunaw ang mundo? Anong limang bagay ang gusto mong gawin? Ako, ito ang limang bagay na gusto kung magawa kung mangyayari man to.

5. Makikipagbati ako sa lahat ng naging kaaway, katampuhan, kabangayan, kagalit at nakasamaan ng loob. Ang sama kaya sa pakiramdan ng may kaaway.

4. Pupuntahan ko lahat ng mga kaibigan ko at pasasalamatan ko silang lahat sa magandang alaalang mababaon ko. Kung di dahil sa kanila, hindi magiging ganito kakulay, kasaya, kalungkot and worthwhile ang naging stopover ko sa buhay kung to.

3. Tatanungin ko lahat ng ex ko kung sino ba talaga sa kanila ang totoong nagmahal saken at kung anong naging mali ko. Ayoko namang mamatay ng hindi nalalaman kung sino ang talagang totoong umibig saken.

2. I'll hug my brothers and sisters kasama na ang aking Little Angel. Salamat sa inspirasyon na binigay nyo saken.

1. I will go to church para magdasal kasama ang Tatay at Mama ko. Gusto kong pasalamatan sila sa pagtaguyod samen. Salamat sa walang kapantay na pagmamahal.

Ikaw kung sakaling darating 'tong panahon na to? Anong gagawin mo?

Til Next Time,

Diosa

You can also see the link : http://akosidiosa.blogspot.com

Posted by akosidiosa 15:06 Archived in Philippines Tagged family Comments (0)

(Entries 1 - 5 of 15) Page [1] 2 3 »